Alibata - Ang Buhay Ng Tao
December 28, 2007ni Edna Lesada
Magmula ng masilayan ang ilaw ng buhay
Mahiwaga talaga hanggang kamatayan
Wariin ko man tila walang katapusan
Buhay sa mundo lubhang napakagulo.
Kaligayahan kilala habang may hininga
Anumang mapaglarong kapalaran ay tarukin
Pipiliting sagipin kahit mapait ang lasapin
Ito ang haharapin hanggang kabiguan ay masupil.
Masaya,walang kalungkutan buhay ng kabataan
Mahimbing matulog,kumain masarap
Kabiguan o masamang kapalaran
Sa puso at diwa ni hindi maramdaman.
Ang buhay ng tao parang saranggola
Pagkatayug-tayug kung lumipad
Subalit kung ang hangin ito'y kalawitin
Mahuhulog sa lupa at magkakagula-gulanit.
Ganito ang buhay ng tao
Sumandaling kaligayahan mararanasan
Dagok ng tadhana ni hindi mo inaasahan
Tanggapin natin ng malualhati ang ating kapalaran.
Previous Comments
hi. nice poem keep up the good work and godbless u..
Posted by incess at July 23, 2008, 11:32 amGaling nyo gawa pa kayo para sumikat pa kayo…
Good Luck sa nyo
hMmmmmM
mganda poh sya!!!
keep up the gud work!!!
tc!!
meron bang poem tungkol sa wika
Posted by Yolanda a lopez at August 24, 2008, 10:47 amwala poh bah pic na naglalarawan ng tula……..?
Posted by anica_rose2000 at September 13, 2008, 9:49 amtnx sxa tula:]
Posted by anna at September 18, 2008, 8:37 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



wala ba kayong tula na may 10 stanza at tig aapat na saknong
Posted by Jarshi at January 25, 2008, 3:46 pm