• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

Ang Alibata

Huwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim , nakaupo sa sulok at may hawak na patalim, hindi ka hahayaan na muli pang masaktan, huwag ka ng matakot sa dilim

Home » Post Item » Alibata - Kapit nang mahigpit, Edong

Alibata - Kapit nang mahigpit, Edong

December 28, 2007

ni:Arnel D. Arce

Ayaw kong humalagpos sa iyong pagkakahawak,
Dahil sa pagbitiw ay muling mangungulila
Sa isang tapat na kaibigan.


 
Edad natin ang agwat ay tulad ng sa isang mag-ama
Hindi bumabalakid upang maintindihan
Ang mga bagay na sa mundo’y malahiganteng katanungan.
 
Isang mahigpit na pisil sa aking kamay iyong idinantay.
Nang maramdaman ang init ay bumabalot sa buong katawan,
Nagbibigay tibok sa pusong sa pag-asa’y nawawalan.
 
Ngunit mapanuring mata ay humuhusga sa pagtitinginan,
Inaakalang ang relasyon ay di ayon sa normal,
Pinipitpit ang ugat hanggang mamatay.
 
Walang salita ang namutawi sa ating labing tikom:
Ginagawa’y ang pagtitig na lulusaw sa pader
Na humaharang sa magkaibigang ginugupo ng pagtataka.
 
Higpitan mo ang hawak, Edong.
Huwag kang bibitiw sa hagupit ng pagsubok.
Katapatan ang ibigkis sa mga kamay.
 
Arnel D. Arce
90 Landing Iyam
4301 Lucena City

alibata Arnel D. Arce tula

Posted by alibata at 7:58 am | permalink

Previous Comments

wow,,lupeth astig…

rock..

heaven..

Posted by wilson at August 14, 2008, 2:42 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








 
 

Search

About Me

Ako si ALIBATA Dela Cruz isang makatang hindi mo maririnig, at kailanman hindi mo na madidinig. Kahit pilitin ko mang ako'y marinig nyo, patawad dahil isang pipi lamang ako...

Share your Poems

Ffor those who want to be featured his/her poem on this site and be notice. Submit your poems, short stories, quotes at lee.shaoran02@hotmail.com , please add your name so i can gratefully give credits to you.

Mga Bago ni Alibata

  • Ang Alibata
  • Alibata watch Gossip Girl and Heroes
  • MAYWEATHER VS MARQUEZ LIVE STREAM
  • Salamat sa Alaala
  • Dilaw mananatiling Dilaw...

Email ni Alibata

Ulap ni Alibata

Alex A. Perez II alibata bleach blog bloggin edna lesada eskimotube.com general Honesto M. Pesimo jose corazon de jesus mga tula one piece redtube Robert Mojica tagalog poems tube8 videos tula ufc ufc 99 video

    

Mga kuro Kuro ni Alibata

  • william: mayron din me tula minsan...
  • potchi: kumpleto po ba ito?...
  • anna: tnx sxa tula:]...
  • Juan Gadi: init kasi e...hehehe...'steg!...
  • Jehzeel Laurente: salamat sa pagboto :D...

Mga Link ni Alibata

  • Alibata
  • Alibata
  • Alibata

MY Blog Log


  • Arlo Gilbert
  • Study Hard
  • Zumi
  • KatKat
  • Katty
  • Kim
  • Rider Black

SiteMeter