• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

Ang Alibata

Huwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim , nakaupo sa sulok at may hawak na patalim, hindi ka hahayaan na muli pang masaktan, huwag ka ng matakot sa dilim

Home » Post Item » Alibata - Pag ibig

Alibata - Pag ibig

December 28, 2007

ni Jose Corazon de Jesus
1926

  Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.

    Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!

    Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang.

    Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos,
Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!

    Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan —
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!

    Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!

    Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;
Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!

    "Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!"
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!

    Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,
Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib,
At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!    

alibata jose corazon de jesus tula

Posted by alibata at 7:25 am | permalink

Previous Comments

nice!!!!

Posted by loraine at February 12, 2008, 6:36 pm

hi r u a girl?

Posted by jemerson at February 18, 2008, 1:26 pm

jem-max.blogspot.com punta k poh ha
r u a girl?

Posted by jemerson at February 18, 2008, 1:27 pm

hi gud morning poh nice nmn…………………

Posted by melissa at February 22, 2008, 10:47 am

ang ganda ng tula,,, san marmi pa akong tula n mabasa…. sa gumawa ng tula npkagaling mo… talagang na puso ang bawat himaymay ng salita..more power at san marmi ka pang maisulat

Posted by ryan at February 29, 2008, 4:29 pm

ang gumawa ng tulang ito ay si Jose Corazon De Jesus isa siyang tanyag na Makata… Napakinggan ko ang tulang ito sa show ni Carlo Aquino

Posted by alibata at March 1, 2008, 3:29 am

salamat poh.maganda!

Posted by roseller at March 10, 2008, 1:44 am

magaling po sana i2 na ung takdang aralin ko heheheeheheheh ariel rivera from malabon city hnd po ako artista ahhhh hehehehe

Posted by ariel rivera at June 27, 2008, 6:46 pm

weh ampanget

Posted by ewn at July 3, 2008, 8:48 pm

yah.. babae po sya.. sya po ay isang mgaling na makata.. mdmi na po akong nbasang gwa nya tulad ng tula at maikling kwento.. =]]

Posted by emylynda at July 26, 2008, 7:54 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








 
 

Search

About Me

Ako si ALIBATA Dela Cruz isang makatang hindi mo maririnig, at kailanman hindi mo na madidinig. Kahit pilitin ko mang ako'y marinig nyo, patawad dahil isang pipi lamang ako...

Share your Poems

Ffor those who want to be featured his/her poem on this site and be notice. Submit your poems, short stories, quotes at lee.shaoran02@hotmail.com , please add your name so i can gratefully give credits to you.

Mga Bago ni Alibata

  • Ang Alibata
  • Alibata watch Gossip Girl and Heroes
  • MAYWEATHER VS MARQUEZ LIVE STREAM
  • Salamat sa Alaala
  • Dilaw mananatiling Dilaw...

Email ni Alibata

Ulap ni Alibata

alibata baybayin Beverly W. Siy blog day with katty dustin edna lesada general hamilton jose corazon de jesus mga tula philippines blog award redtube redtube.com Robert Mojica serial tagalog poems tula tula ko ufc

    

Mga kuro Kuro ni Alibata

  • william: mayron din me tula minsan...
  • potchi: kumpleto po ba ito?...
  • anna: tnx sxa tula:]...
  • Juan Gadi: init kasi e...hehehe...'steg!...
  • Jehzeel Laurente: salamat sa pagboto :D...

Mga Link ni Alibata

  • Alibata
  • Alibata
  • Alibata

MY Blog Log


  • Arlo Gilbert
  • Study Hard
  • Zumi
  • KatKat
  • Katty
  • Kim
  • Rider Black

SiteMeter