Alibata - Pamilyang walang kwarto pero may karton
December 28, 2007ni: Beverly W. Siy
Isang gabi sa Luneta,
Naghihilik ang pamilya.
Karton ang kanilang kama,
Kumot ang d’yaryong Bandera.
Biglang naihi ang langit,
Nagbagsak ng tubig-tubig.
Ang buntis ay naligalig:
Saan ba sila sisiksik?
Di man lang nakapag-inat,
Tatlong batang puro libag.
Naligpit sa isang iglap
Ang karton na nakalatag.
Pumara ng dyip ang ama.
Usal niya’y bahala na.
At sumakay ang pamilyang
Ulan ang laman ng bulsa.
Beverly W. Siy
Departamento ng Filipino
University of the Philippines
Diliman, Quezon City
Previous Comments
meron k bang mga tula na may tatlong saknong at may apat n taludtod kada saknong?plz txt me kailangan ko p right now eh plzzz.Taga marisci kc aku kya kelngn plzz po ah o kaya email mo nlng aku ito email ko lex_cmme11@yahoo.com tnx po.maraming salamat!!!
Posted by lex of MSHS at June 12, 2008, 6:41 pmang ganda pang assignment ahh
Posted by ruth at June 25, 2008, 7:52 pmnakakatouch naman,,,,,,,,
pwde bng yung tungkol naman sa mga school marsyal pls….
paki comment na lng po sa acc0unt q kung meron na tnxtnxtnx po tlga…
Posted by kaycie at June 29, 2008, 4:43 pmganda nman………….
continue posting tula,……………..
hehe,…………..
i lyk it……………
hindi kc common……….
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



nakaka-touch…,,ahhh…
Posted by bb at February 4, 2008, 6:32 pm