• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

Ang Alibata

Huwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim , nakaupo sa sulok at may hawak na patalim, hindi ka hahayaan na muli pang masaktan, huwag ka ng matakot sa dilim

Home » Post Item » Alibata - PANULAT

Alibata - PANULAT

December 28, 2007

ni Benigno R. Ramos
1930

Kung ikaw, Panulat, ay di magagamit
kundi sa paghamak sa Bayang may hapis,
manong mabakli ka't ang taglay mong tulis
ay bulagin ako't sugatan ang dibdib.

Kung dahil sa iyo'y aking tutulungan
ang nagsisilait sa dangal ng Bayan,
manong mawala ka sa kinalalagyan,
at nang di na kita magawang pumaslang!…

Di ko kailangang ang ikaw'y gamitin
kung sa iyong katas ang Baya'y daraing,
ibig ko pang ikaw'y tupuki't tadtarin
kaysa maging sangkap sa gawaing taksil…

Di ko kailangang ikaw ay magsabog
ng bango sa landas ng masamang loob,
ibig ko pang ikaw'y magkadurong-durog
kaysa magamit kong sa Baya'y panlubog.

Kailangan kita sa gitna ng digma
at sa pagtatanghal ng bayaning diwa,
hayo't ibangon mo ang lahat ng dukha!
hayo't ibagsak mo ang mga masiba!

alibata Benigno Ramos tula

Posted by alibata at 7:28 am | permalink

Previous Comments

Johann Serrano

Posted by johann at February 20, 2008, 7:35 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








 
 

Search

About Me

Ako si ALIBATA Dela Cruz isang makatang hindi mo maririnig, at kailanman hindi mo na madidinig. Kahit pilitin ko mang ako'y marinig nyo, patawad dahil isang pipi lamang ako...

Share your Poems

Ffor those who want to be featured his/her poem on this site and be notice. Submit your poems, short stories, quotes at lee.shaoran02@hotmail.com , please add your name so i can gratefully give credits to you.

Mga Bago ni Alibata

  • Ang Alibata
  • Alibata watch Gossip Girl and Heroes
  • MAYWEATHER VS MARQUEZ LIVE STREAM
  • Salamat sa Alaala
  • Dilaw mananatiling Dilaw...

Email ni Alibata

Ulap ni Alibata

Alex A. Perez II alibata bleach blog bloggin edna lesada eskimotube.com general Honesto M. Pesimo jose corazon de jesus mga tula one piece redtube Robert Mojica tagalog poems tube8 videos tula ufc ufc 99 video

    

Mga kuro Kuro ni Alibata

  • william: mayron din me tula minsan...
  • potchi: kumpleto po ba ito?...
  • anna: tnx sxa tula:]...
  • Juan Gadi: init kasi e...hehehe...'steg!...
  • Jehzeel Laurente: salamat sa pagboto :D...

Mga Link ni Alibata

  • Alibata
  • Alibata
  • Alibata

MY Blog Log


  • Arlo Gilbert
  • Study Hard
  • Zumi
  • KatKat
  • Katty
  • Kim
  • Rider Black

SiteMeter