• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

Ang Alibata

Huwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim , nakaupo sa sulok at may hawak na patalim, hindi ka hahayaan na muli pang masaktan, huwag ka ng matakot sa dilim

Home » Post Item » Alibata - Tula ng isang Ina

Alibata - Tula ng isang Ina

December 28, 2007

ni : Honesto M. Pesimo, Jr.

Simbolismo ang tilaok ng tandang
At ang aking pagkakabalikwas
Ay ang paghahanap ng mga salita.
Ritmo ang pagpapatahan sa nabiglang anak

At indayog ang paghehele rito
Kahit na nga ang kumot nitong mapanghi
At metaporang basa
Sa inihahandang tula.
Kaalinsabay ng pagpaparami
Ng kabuluhan ng mga bula ng sabon
Ay ang pagpapalutong
Ng sensibilidad na inihahanay
Sa realidad at lipunan
Sa pagpiprito ng tuyo at talong.
Pagkatapos ay uunawain ko ang sukat
Ng kaugalian at kultura
Sa estilo ng paghahanda
Ng baon at gamit sa eskwela.
Halik ng pamamaalam
Ang dagdag na kataga.
Sa pag-iisa’t bisa ng pamamalantsa,
Nangangarap ako na kikinis ang mga tayutay.
Pero ang tensyon ay bulyaw ng tinidor sa natirang kanin,
Sigaw ng kutsara sa halik ng kuratsa,
Dabog ng pinggan sa kumapit na sebo,
Bahing ng baso sa lansang dumikit
At ang mesa’y ulila pa rin sa kanin
Na bihag ng kalderong sinasampal ng apoy.
May tampo pa rin ang laing
Na nilulunod ng pinigang kakang-gata,
May hinanakit pa rin ang mangga
Na hindi pa napipitas sa bakuran.
Pero may kamatayan ang tensyon.
Sa pagdating ng aking mga anak,
Tula ang kanilang halik at yakap.

Honesto M. Pesimo, Jr.
13 Santa Cruz Proper
4400 Naga City

alibata Honesto M. Pesimo Jr. tula

Posted by alibata at 7:54 am | permalink

Previous Comments

nice commenTs…

Posted by krista may at August 2, 2008, 7:15 pm

ang galing naman!!,,,,nkaka-touch

Posted by sarah at August 14, 2008, 8:21 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








 
 

Search

About Me

Ako si ALIBATA Dela Cruz isang makatang hindi mo maririnig, at kailanman hindi mo na madidinig. Kahit pilitin ko mang ako'y marinig nyo, patawad dahil isang pipi lamang ako...

Share your Poems

Ffor those who want to be featured his/her poem on this site and be notice. Submit your poems, short stories, quotes at lee.shaoran02@hotmail.com , please add your name so i can gratefully give credits to you.

Mga Bago ni Alibata

  • Ang Alibata
  • Alibata watch Gossip Girl and Heroes
  • MAYWEATHER VS MARQUEZ LIVE STREAM
  • Salamat sa Alaala
  • Dilaw mananatiling Dilaw...

Email ni Alibata

Ulap ni Alibata

alibata baybayin Beverly W. Siy blog day with katty dustin edna lesada general hamilton jose corazon de jesus mga tula philippines blog award redtube redtube.com Robert Mojica serial tagalog poems tula tula ko ufc

    

Mga kuro Kuro ni Alibata

  • william: mayron din me tula minsan...
  • potchi: kumpleto po ba ito?...
  • anna: tnx sxa tula:]...
  • Juan Gadi: init kasi e...hehehe...'steg!...
  • Jehzeel Laurente: salamat sa pagboto :D...

Mga Link ni Alibata

  • Alibata
  • Alibata
  • Alibata

MY Blog Log


  • Arlo Gilbert
  • Study Hard
  • Zumi
  • KatKat
  • Katty
  • Kim
  • Rider Black

SiteMeter