Alibata - Nang Nilimot Mo
March 1, 2008
by: Melanie A. Madrigalejos
Nagmamahal ng tunay sa iyo
Tinatawag pa ri’y pangalan mo
Laman pa rin ng panaginip ko
Nagmamahal, Kahit nilimot mo
Matagal na panahon ang lumipas
Bakit sa alaala mo’y di makaiwas?
ang kahapon natin ay nagwakas
kahit nilimot, iniibig pa rin ng wagas
Masakit pagnaaalala ako’y tinalikuran
puso’y nanatiling nabilad sa ulanan
hindi man lang narinig na ikay nagpaalam
Umiibig kahit ako’y kinalimutan
Kahit anong gawin at pagpipigil
Hayag ng puso’y di pa rin titigil
Kahit ako’y nilimot mo na marahil
Iibigin pa rin ng puso kong suwail
Nang nilimot mo,
eto pa rin ako
Nagmamahal ng
tunay sa iyo.
Previous Comments
subukan mong isabi kung ang mga tula ay elehiya, oda, o soneto, at kung liriko, pasalaysay, pandulaan, o epiko ang mga ito. o kaya magbigay ka ng mga halimbawa ng mga ito, kasi madalas itong kailangan ng mga estudyante sa Filipino. Salamat.
Posted by JK at August 11, 2008, 8:49 pmthis has been a great help to me today. thank you!
good job. Ü
hi to all kailangan ko po nang tula na angt galing mo batang pinoy saan ko po mahahanap iyon ako po si alliah g budol
Posted by alliah budol at August 15, 2008, 12:30 pmastig!!! ang mga tula’y dumadaluyong sa aking isipan na parang balaraw sumusagat sa katawan gumising sa kaluluwa ….at kumakawal sa kahon…..
Posted by bantog tahimik at August 24, 2008, 6:18 pmmayron din me tula minsan lagay ko d2 o send ko sa e-mail mo tula ko d2 sa korea title ay KOREA @ Para sa Pamilya
Posted by william at September 26, 2008, 11:44 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



Good work ahehehe!!!!
Posted by Jose Aarri at March 13, 2008, 4:38 pm