ALIBATA : DIKTA NG ILANG KILONG BIGAS
July 11, 2008Bakit kaibigan nahihirapan ka na ba?Pumipila para sa kakarompot na bigas?
Pinagmumukhang kaawa-awa?
At ang iyong tsinelas ay ubos na at gasgas?
Oo, alam kong gusto mo ng sumigaw,
Alam ko din na pagod ka na at uhaw,
Parang isang pangarap na hindi mo na matanaw,
at isang habak na lamang at ang iyong mundo’s magugunaw…
Kahit na iwasin mo man ito ng pilit,
ang sakit ay patuloy na hahagupit,
ilulubog ka sa kahirapan at pait,
hanggang ang iyong mga mata’y hindi mo na maipikit…
Oo Juan, alam ko pagod ka na,
hindi mo na magawang ngumiti ng may tuwa,
ang sigla mo ay nababalutan ng luha,
dahil sa buhay mo ay wala ka ng magagawa…
Masakit para sa akin ang mga pangyayari sa atin sa araw araw at nahihirapan ako sa mga taong nakikita kong naghihikahos pumila para lamang sa NFA rice na dapat lamang ay para sa lahat at lalo na sa mga taong hindi kaya makatugon sa pamumuhay.
Ginagawang lalong mahirap ang mga taong nagtitiyagang pumila at hindi yun dapat
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



kumpleto po ba ito?
Posted by potchi at September 19, 2008, 10:14 pm