Isang panayam sa isang Takatak Boy ni Robert A. Mojica
May 8, 2009Sa araw araw na pauwi ako ng bahay lagi ko nakakasabay ang kapit bahay naming nagtitinda ng sigarilyo at kendi sa kalye, ang pangalan nya Paulo. Sa totoo lang naman hindi na iba sa akin sa Paulo at kalaro ko siya noong bata pa kami, ngayon nasa tamang edad na kami at medyo napapagusapan na din ang mga buhay buhay na medyo seryoso.
Ito ang kwento nya..
Hindi siya natapos sa pag-aaral ng elementarya dahil mas nauna sa kanya ang magbulakbol at maglakwatsa ito ang sabi nya. Pero dahil ayokong pagusapan ang pribadong buhay nya dahil alam ko naman na mahirap talaga ang nararanasan niya ngayon. Itinanong ko na lang kung paano siya napasok sa pagiging “takatak boy” at ang sabi niya wala na daw kasi siyang makuhang ibang trabaho kundi ang pag titinda ng sigarilyo.
Alam ko talaga mahirap ang trabahong ito dahil dapat maaga palang dapat ay gising kana at buong araw kang nakalugmok sa usok ng mga tambutso ng mga saksakyan. Ngunit ang sabi nya kesa sa walang makain ang pamilya niya titisin nya un , kesa magnakaw siya mas ayos na un kasi “Dignidad at Pag-asa na lamang ang bumubuhay sa akin sisirain ko pa..” , ito ang salitang tumatak sa isip ko.
Ilang taon pa lamang si Paolo pero ganito na ang pagiisip nya, maraming taong mas nakakaahon at mas maayos ang trabaho niya ngunit ang iba ay gumagawa pa din ng mga ilegal na bagay sa kapwa tao nila. Sa murang pagiisip namulat na si Paulo sa ganitong buhay.
“At namumuhay siya sa usok ng tambutso para sa singkwenta o pisong tubo sa bawat stick ng sigurilyo at ng kendi.”
Pasensya na po kung mayroong maooffend sa mga salita dito ngunit ito lamang may ay galing lamang sa malayang pagiisip at pagsusulat.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


