Sakit ng Paglisan ni Robert Mojica
May 8, 2009Sinamahan mo ako sa hirap at ginhawa,
niyakap mo ako at patuloy na lumigaya,
Hapdi at pait na ating nadarama,
Hanngang ngayon nandito ka ako lang ang kasama…
Limang taon at habang buhay,
Hindi ko akalain na ito ay tunay,
Magkasama kahit anu man ang ibigay,
Na pasakit at paghirap hindi tayo bibigay…
Ngunit bakit ganito may mga bagay na kay bigat,
Kahit pagtulungan hindi natin maawat,
Ang bagay na kailanman ay hindi naman dapat,
Kahit pilitin tanggapin hindi pa rin sapat…
May sakit ang aking mahal at wala akong magawa,
Hindi ko kayang itago na lamang at ipag sa walang bahala,
Ikaw lang ang gusto hanggang sa ako’y tumanda,
Panginoon ko , pagalingin nyo po siya yan po ang aking
pagmamakaawa…
Sa araw araw na kasama kita ayokong maiwang magisa , ayokong gumising sa isang araw na unan lang ang kasama. Mahal kita yan ang tandaan mo kaya magpagaling ka..
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


