Alibata ay naghahanap ng Manga (Japanese Komiks)
May 8, 2009Mula noong isang linggo maraming tao na ang nahahanap at nag aantay ng issue ng Manga. Tulad ng mga titulo ng Naruto, One piece at Bleach ngunit hanggang ngayon ay wala pa din ang official na release nito sa websayt ng Onemanga.com
Kung kayo ay nakakaalam ng mga manga tulad nito Naruto 447, Naruto 447 and Bleach 356 maari lamang po ipadala dito sa blog na ito.
Salamat,
Alibata
Alibata supports Pacquiao agaisnt Hatton
May 2, 2009Oo, tama ka ako’y umaasang si Manny Pacquiao ay mananalo laban kay Ricky Hatton. Ang labang ito ay gaganapin sa Estados Unidos sa oras na alas Diyes ng Umaga sa atin at gabi naman sa kanila. Kung nais mong mapanuod ang labanang Hatton vs Pacquiao bisitahin lamang po ang sumusunod na website.
Alibata votes Batang Yagit
September 16, 2008Ito ay ang aking partisipasyon para sa Philippines Blog Awards at binoboto ko Si Batang Yagit. Marami na akong blog na nabasa at napuntahan at talagang naengganyo ako sa mga gawa ni Batang Yagit kaya ko xa binoto para sa Philippines Blog award.
Sana’y palarin si BatangYagit.com at ako rin ay manalo ng SelPon dahil wala akong SelPon heheheh..
Diwata
August 6, 2008Alex A. Perez II
Nakakita ko ng diwata
Wala akong nabuong salita
Nagulat ako, nabighani
Kaya sinubukan kong lumapit
Pero nakita ko na siya dati
Siguro sa panaginip…
Inaya ko siyang kumain ng mga bulaklak
Sabi niya ayaw niya at wala siyang dahilan
Natawa ko kasi wala din akong maisip na dahilan
Nahulog ang loob ko sa diwata ng ‘di ko namalayan
Lumipas ang oras na kami lang ang magkasama
At kahit yung ibang bagay hindi ko na napansin, hindi ko na nakita
At dahil na rin sa kapangyarihan ng diwata
Tuluyan na nga siguro kong nagayuma
Pero maya-maya sabi nya kailangan niyang magpaalam, lumisan
Ayoko siyang umalis, gusto ko siyang pigilan
Pero dahil alam ko na sadya kaming magkaiba
Mahirap nga siguro para sa ‘min ang maging isa
Dumating ang mga araw at mag-isa na lang ako
Pero yung alaala ng diwata hindi niya kasamang lumipad, hindi naglaho
Hindi ko gustong bumitaw, ayokong makalimot
Sa pangangarap ayokong mapagod
Sa paglalakad ko, kung saan-saan ako napadpad
Nakakita ko uli ng mga bulaklak
Bumalik lahat ng mga alaala
Masaya kong nilunod ng mga luha
At kahit walang kasiguraduduhan hindi ako natatakot
Maghintay, umasa, malipasan ng panahon
Hindi ko alam kung paano, saan, kelan
Minamahal ko ang diwata ng walang dahilan…
…Para kay Shiella Marie Lipana
ALIBATA : DIKTA NG ILANG KILONG BIGAS
July 11, 2008Bakit kaibigan nahihirapan ka na ba?Pumipila para sa kakarompot na bigas?
Pinagmumukhang kaawa-awa?
At ang iyong tsinelas ay ubos na at gasgas?
Oo, alam kong gusto mo ng sumigaw,
Alam ko din na pagod ka na at uhaw,
Parang isang pangarap na hindi mo na matanaw,
at isang habak na lamang at ang iyong mundo’s magugunaw…
Kahit na iwasin mo man ito ng pilit,
ang sakit ay patuloy na hahagupit,
ilulubog ka sa kahirapan at pait,
hanggang ang iyong mga mata’y hindi mo na maipikit…
Oo Juan, alam ko pagod ka na,
hindi mo na magawang ngumiti ng may tuwa,
ang sigla mo ay nababalutan ng luha,
dahil sa buhay mo ay wala ka ng magagawa…
Masakit para sa akin ang mga pangyayari sa atin sa araw araw at nahihirapan ako sa mga taong nakikita kong naghihikahos pumila para lamang sa NFA rice na dapat lamang ay para sa lahat at lalo na sa mga taong hindi kaya makatugon sa pamumuhay.
Ginagawang lalong mahirap ang mga taong nagtitiyagang pumila at hindi yun dapat


