Huwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim , nakaupo sa sulok at may hawak na patalim, hindi ka hahayaan na muli pang masaktan, huwag ka ng matakot sa dilim
Alibata - PANULAT
December 28, 2007ni Benigno R. Ramos
1930
Kung ikaw, Panulat, ay di magagamit
kundi sa paghamak sa Bayang may hapis,
manong mabakli ka't ang taglay mong tulis
ay bulagin ako't sugatan ang dibdib.
Alibata - Pag ibig
ni Jose Corazon de Jesus
1926
Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.


